Hindi pa inaalis sa requirement ng mga byahero ngayong may pandemya ang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction o RT-PCR test.
Ito ang nilinaw ng Philippine National Police matapos ang desisyon ng Inter-Agency Task Force na wala nang travel authority at swab test sa mga gustong bumiyahe sa mga probinsya.
Ayon kay Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, Commander ng JTF COVID Shield, maari pa ring magpatupad ng patarakan ang mga Local Government Units (LGUs) sa mga biyahero at hingian sila ng swab test lalo na sa mga magtutungo sa mga tourist destination area.
Aniya nasa kapangyarihan ng mga LGUs lalo na sa mga manggagaling sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 gaya ng Metro Manila.
Ayon kay Binag, kahit na niluwagan na ng IATF ang pagbiyahe ay kailangan pa ring sumunod ang lahat sa mga health protocols, kasama na rito ang pagsusuot ng face mask at social distancing.