Manila, Philippines – Nilinaw ni Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo na walang benepisyo ang kanilang paglipat mula sa Liberal Party patungong Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni LP President at Sen. Francis Pangilinan na may inaalok ang administration party na mga benepisyong mahirap tanggihan kaya isa-isang lumilipat ang kanilang mga kaalyado.
Ayon kay Castelo – boluntaryo ang ginawa nilang paglipat sa PDP-Laban at walang ipinangakong anumang kapalit.
Paglilinaw din ni Castelo – hindi sila “balimbing” kundi, sinusuportahan lamang nila ang legislative agenda ng Pangulong Rodrigo Duterte at maihatid ang serbisyo na ipinangako sa taong bayan.
Sinabi pa ng mambabatas na bago sila lumipat at kinuha nila ang consensus ng kanilang mga nasasakupan at maayos na nagpaalam sa partido Liberal.
Matapos ang halalan, aabot sa 115 kongresista ng liberal party ang naupo sa pwesto pero, unti-unti silang lumipat sa PDP-Laban.
Pinabagong nag-ober da bakod sina Quezon City 5th Dist. Rep. Alfred Vargas, Bataan Rep. Geraldine Roman, Lanao Del Sur Rep. Ansaruddin Adiong, North Cotabato Rep. Nancy Catamco at Quezon City 2nd Dist Rep. Winston Castelo.
DZXL558