Kampo ng pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles – naghain ng urgent motion sa Sandiganbayan para mailipat siya ng kulungan

Manila, Philippines – Naghain na ang kampo ni Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles sa Sandiganbayan upang mailipat ito ng kulungan.

Batay sa very urgent motion na inihain ng mga abogado ni Napoles sa 5th division ng anti-graft court, hiniling ng mga ito na mailipat ang PDAF scam queen sa National Bureau of Investigation Custodial Center.

Binigyan diin ng abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David na ang pagbuhos ng mga banta sa buhay ni Napoles sa Correctional Institution for Women dahil sa mga nalalaman nito ukol sa PDAF scam.


Sinabi pa ni David na hindi na dapat nakakulong sa correctional ang kanyang kliyente dahil para lamang ito sa mga sentensyado nang kriminal.

Matatandaang i-abswelto ng Court of Appeals si Napoles sa kasong serious illegal detention.

DZXL558

Facebook Comments