Manila, Philippines – Alas onse ng umaga bukas, April 18,nakatakda ang pagdinig ng Committee on Urban Planning, Housing and Resettlementsa ginawa ng grupong KADAMAY na pwersahang pag okupa sa mga housing projects nggobyerno sa Pandi, Bulacan na nakalaan para sa mga pulis at sundalo.
Ayon kay Committee Chairman Senador JV Ejercito, layuninng pagdinig na malaman kung sino ang dapat managot dahil sa pag-papabaya sanasabing housing projects na itinayo ng National Housing Authority o kung saannapunta ang pondong naka-laan dito.
Dagdag pa ni Ejercito, target din ng pagdinig na mabusisikung bakit marami pa ring housing projects ng nha ang nananatiling substandard,bitak-bitak at nakatiwangwang.
Giit pa ni Ejercito, ang government housing projects ayhindi lang basta tungkol sa structure.
Dapat aniya ay mayroon itong strategic plan upangmatugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga benepisyaryo nito tulad ngaccess sa kanilang kabuhayan, transportasyon, edukasyon at health facilities.
Pag okupa ng KADAMAY sa housing project ng gobyerno sa Bulacan, iimbestigahan ng Senado bukas
Facebook Comments