Pag-oobserba ng Semana Santa sa Cotabato City naging matiwasay!- CD Octavio

*Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pag-oobserba ng semana santa sa Cotabato City.*

*Sinasabing walang naitalang mga major untoward incidents sa lahat ng AOR ng Cotabato City Police Office ayon pa kay City PNP Director SSupt Rolly Octavio sa impormasyong ipinarating nito sa DXMY , bunsod na rin sa pakikipagtulungan ng mga pinagsanib na pwersa ng ng PNP, 5th Special Forces at Joint Task Force Kutawato.*

*Matatandaang naging visible ang mga otoridad sa buong semana santa kasabay ng pagbibigay seguridad sa lahat mga aktibidad sa mga simbahan sa Cotabato City.*


*Kaugnay nito pinasalamatan ng City PNP ang lahat ng mga debotong katoliko na nakiisa sa pag-oobserba ng mahal na araw, kasabay rin ng pakikiisa sa kampanya ng mga otoridad na mapanatili ang katiwasayan sa syudad.*
*PIC : FB WALL of Karancho Cotabato*

Facebook Comments