Para kina Senator Francis Tolentino at Senator Koko Pimentel, mainam na itigil muna ang pagbili o pagpapa-deliver ng COVID-19 mula sa ibang bansa.
Mensahe ito nina Tolentino at Pimentel sa harap ng umano’y napipintong pag-expire sa Hunyo ng 27 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Tolentino, dahil sa linggo-linggong may dumarating pa sa bansa na bakuna kontra COVID-19 ay maaaring magkaroon ng over supply o sumobra na para sa mga mamamayang pilipino.
Ipinunto naman ni Senator Pimentel na bukod sa may over supply na ng bakuna ang bansa ay isyu rin kung epektibo ito laban sa bagong variant ng COVID-19.
Sabi ni Pimentel, hindi dapat mag-panic at magmadaling iturok ang sobra-sobrang bakuna kontra COVID-19 dahil lamang malapit ng ma-expire ang mga ito.
Giit ni Pimentel, Science o agham ukol sa bisa ng bakuna ang nararapat na pagbatayan sa pagtuturok ng bakuna at hindi ang kanilang expiration date.