Pangulong Duterte, nagpaliwanag kung bakit walang ineendorsong politiko sa pagkapangulo

Binigyang katwiran ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit wala syang ineendorsong politiko sa pagkapangulo.

Sa kanyang Talk to the People, binigyang diin ng pangulo na hindi magandang tingnan bilang presidente na may kinikilingan siyang kandidato.

Aniya, ayaw niyang pagdudahan ng taumbayan na ginagamit ang resources ng gobyerno para ikampanya ang ineendorso niyang kandidato.


Sa kabilang banda, sinabi ng pangulo na suportado niya ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumatakbo ngayon bilang bise presidente.

Facebook Comments