Pag overhaul sa Customs, iginiit nina Senators Gordon at Sotto sa Malakanyang

Manila, Philippines – Iginiit nina Senate Majority Leader Tito Sotto III at Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon sa Malakanyang na i-overhaul o balasahin ang Bureau of Customs.

Ito ay matapos ang pagdinig na isinagawa ng senado ukol sa 6.4 billion na shipment ng shabu galing China na nakalusot sa Customs.

Sa pagding ay lumabas na sa green lane pa dumaan ang nasabing shipment kaya ito ay hindi na x-ray at nainspeksyong mabuti.


Pinuna din ni Senator Sotto, kung bakit huli na ng ipaalam ng Customs sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pag-raid sa dalawang warehouse sa Valenzuela kung saan nakumpiska ang nabanggit na 604 kilos ng shabu.

Si Senator Gordon naman, kinuwestyon ang pagtungo sa China ni customs intelligence and investigation service retired Col. Neil Anthony Estrella at isang staff.

Sagot ng Chinese Govt. ang nabanggit na byahe ni Estrella at kahina hinala din para kay Gordon ang commendation na kinuha nito mula sa Chinese anti-smuggling officer na pumupuri sa Customs at nagsasabing walang kasabwat na Pilipino sa nasabing drug shipment.

Payo naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, mag-isip isip na ito ngayon ng dapat niyang gawin dahil ito naman ang nagsabi na aakuin niya ang responsibilidad ng paglusot sa Customs ng nasabing drug shipment.

Facebook Comments