Pag-proseso ng mga pasaporte, suspendido sa June 28 para bigyang daan ang Eid’l Adha

Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na suspendido ang pag-proseso ng mga pasaporte sa DFA Aseana, lahat ng Consular Office at Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) sa buong bansa sa June 28 bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga kapatid nating Muslim.

Ang mga aplikante na may appointment sa DFA Aseana, Consular Offices at TOPS sites ay i-a-accommodate mula June 29 hanggang July 28.

Habang ang mga TOPS applicants ay i-a-accommodate ng kanilang mga Supervising Consular Office mula June 29 hanggang July 28, inaabisuhan naman silang sundin ang kaparehong time slot ng kanilang appointment.


Gayundin, sarado ang Passport Releasing Service Center sa Double Dragon Meridian Park sa Pasay sa June 28 at magbabalik ang operasyon sa June 29.

Facebook Comments