Senate leadership, walang pagbabago ayon kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda

Bakit aayusin ang isang bagay na hindi naman sira?

Ito ang naging pahayag ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa tanong kung magkakaroon ba ng pagbabago sa liderato ng Senado.

Minaliit ng senadora ang posibilidad na magkaroon ng rigodon sa Senate leadership dahil naging maayos naman aniya ang pakikitungo at relasyon ng lahat ng mga senador kay Senate President Juan Miguel Zubiri.


Binigyang diin pa ni Legarda na walang anumang pag-uusap at wala ring mangyayaring pagbabago sa liderato ng Senado.

Patunay aniya rito ang buong suporta na ibinibigay ng lahat ng mga senador kay SP Zubiri.

Dagdag pa ni Legarda, nararapat ngang bansagan na “Trabahador ng Senado” si Zubiri dahil sa sipag nito bukod pa sa madali ring malapitan o makausap ng mga senador.

Aniya pa, ni minsan ay hindi niya ito nakitang hindi nakangiti sa kabila ng bigat ng trabaho at stress sabay paglalarawan din sa Senate President na isang magiliw, masipag at consensual sa lahat ng opinyon ng mga mambabatas.

Facebook Comments