Sa joint hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Agriculture and Food, ay tiniyak ng Bureau of Customs o BOC ang patuloy na pag-raid sa mga warehouse o bodega ng mga asukal.
Sa hearing ay sinabi Customs Deputy Commissioner Edward James Dy Buco, na sa mga raid na ginawa ng BOC ay kasama nila ang Sugar Regulatory Administration (SRA) at Department of Trade and Industry (DTI).
Diin ni Dy Buco, patuloy nilang ipatutupad ang kanilang mga raid, na ang termino nila ay “visitorial powers.”
Binanggit din ni Dy Buco na pinag-uusapan na nila ang “disposal” o kung ano ang gagawin sa mga asukal sa mga bodega na kanilang ni-raid.
Ang aksyon ng BOC ay alinsunod sa deriktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mag-ikot sa mga warehouses at tingnan ang inventory ng mga imported na produktong-agrikultural upang mabatid din kung may sugar hoarding.