Thailand, nangangailangan ng Filipino tourism workers

92

Libu-libong trabaho sa hospitality industry sa Thailand ang naghihintay sa Pinoy tourism workers.

Isa ito sa mga napagkasunduan sa bilateral meeting sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) ng Pilipinas at Thailand Ministry of Tourism and Sports (MOTS)

Sinabi ng Thailand na may shortage sa workforce sa industriya ng turismo sa Thailand matapos ang pagluluwag doon sa travel restrictions at pagbabalik ng tourism activities.


Tinatayang 60% ang vacancies sa iba’t ibang hotel personnel hanggang sa middle manager positions sa Thailand.

Kaugnay nito, inihayag din ni Tourism Secretary Christina Frasco na magsasagawa ang DOT at Department of Labor and Employment (DOLE) ng joint job fairs sa tourism industry para i-deploy sa Thailand.

Isasagawa ang job fair sa Setyembre 22 hanggang 24.



Nagsasagawa na rin ang regional offices ng DOT ng surveys sa available job vacancies, position titles at iba pang job posting information sa bawat rehiyon para sa karagdagang local work opportunities.

Facebook Comments