Manila, Philippines – Dapat ng maging malinaw sa isang batas ang patakaran sa operasyon ng Transportation Network Vehicle Services o TNVS at mekanismo ng pagsailalim nito sa mahigpit na regulasyon ng pamahalaan.
Ito ang layunin ni Senator Win Gatchalian sa paghahain niya ng Senate Bill No. 1001, o Transportation Network Services Act.
Ang hakbang ni Gatchalian ay tugon sa gusot na sumiklab sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at ng TNVS na Grab at Uber.
Sa panukala ni Gatchalian ay malinaw na itatakda ang nature at classification ng Transportation Network Companies o TNC at ng Transportation Network Vehicles o TNV, gayundin ang standard o sukatan para sa kanilang akreditasyon at mga pentalties.
Facebook Comments