Pag-regulate sa vape, e-cigarettes at ibang pang electronic nicotine at non-nicotine devices, magpapahinto sa iligal na pagpasok nito sa bansa

Malaki ang kumpiyansa ni House Committee on Trade and Industry Chairman at Valenzuela City Representative Wes Gatchalian na kung hindi man tuluyan ay unti-unti nang matutuldukan ang iligal na pagpasok, paggawa at pagbebenta ng vape, e-cigarettes at iba pang Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery System (ENDS/ENNDS) products sa bansa.

Ito’y makaraang aprubahan ng naturang komite ang panukalang batas na mage-regulate sa manufacture, sale, at distribution ng vapes at e-cigarettes, kasama na ang ENDS/ENNDS.

Ang mga nabanggit na produkto na itinuturing na “electronic in nature” ay isasailalim sa regulasyon at mahigpit na pagbabantay ng Department of Trade and Industry (DTI).


Inihain ang panukala para protektahan ang consumers kaya nais ni Gatchalian na siguruhing sumusunod ang mga produkto sa electrical safety standards na itinatakda ng Bureau of Product Standards ng DTI.

Umaasa ang kongresista na ang mas pinalakas at mas istriktong alituntunin na itinatakda ng panukala ay magpapahinto sa mga indibidwal na gamitin ang vapes, e-cigarettes at ENDS/ENNDS sa kanilang masamang gawain.

Facebook Comments