Isa pang miyembro ng PNP, nasawi dahil sa COVID-19

44

Umaabot na ngayon sa 17 na mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang namatay dahil sa COVID-19 matapos bawian ng buhay kamakalawa ang isang 28-anyos na non-commissioned officer mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nakapagtala na rin ang PNP ng 44 na panibagong kaso ng COVID- 19 sa kanilang hanay.

Batay sa huling datos ng PNP Health Service, 27 bagong kaso ang naitala sa NCRPO, pito sa Police Regional Office (PRO) 7, apat sa PRO-4A, tatlo sa PRO-9, dalawa sa PRO-BAR at isa sa PRO-8.

Kaya naman umakyat na sa kabuaang 5,329 ang PNP personnel na nag-positibo sa COVID-19.

Sa bilang na ito, 1,388 ang aktibong kaso habang 3,924 ang gumaling na matapos makapagtala ng 74 na bagong nakarekober sa sakit kahapon.

Facebook Comments