Illegal ang pagpapalit ng tauhan sa gobyerno, 45 araw bago ang halalan nang walang pahintulot ng poll body.
Ginawa ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Erwin Garcia ang pahayag matapos magkaroon ng reshuffling o pagpapalit ng mga tauhan ng poll body sa Picong, Lanao del Sur.
Ayon kay Garcia, isa ito sa mga napag-usapan sa En Banc kung saan nagtalaga ng isang tauhan na hindi bahagi ng COMELEC.
Aniya, batay sa memorandum ni Commissioner Marlon Casquejo na walang empleyado ang COMELEC Law Department na Atty. Ramil Comendador.
Kung hindi napansin, mahahayaan aniya ng poll body ang isang hindi taga-COMELEC na mamuno sa canvassing sa Picong, Lanao del Sur.
Iginiit din ni Casquejo na ang reshuffling ay dapat ginawa noong Pebrero 2022 para mabigyan ng sapat na oras ang mga paghahanda sa eleksyon.