Hirap sa tatlong buwang pangangampanya, sulit ayon kay Senador Lacson

Para kay presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson, worth it ang lahat ng naranasan niyang hirap sa tatlong buwang pangangampanya.

Aniya, sulit ang lahat ng karanasan niya, mula sa pinakamasaya hanggang sa malulungkot na bahagi ng kampanya.

Sabi ni Lacson, napakarami niyang natutunan mula sa umpisa ng kanyang pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mangampanya.


Gayunman, hindi na niya kailanman magagamit ang mga aral na iyon dahil ito na ang huling beses na siya ay tatakbo.

Kasabay niyo, nanawagan si Lacson sa mga pupunta sa polling precincts na huwag isipin ang sarili sa pagdedesisyon kung sino ang kanilang iboboto.

Sa halip aniya, dapat na isipin ng lahat ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino na maaapektuhan ng magiging resulta ng kanilang mga boto.

Facebook Comments