PAG-RESHUFFLE SA MGA LOCAL SCHOOL HEADS SA DAGUPAN CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE, IPINATUPAD

Ipinatupad kahapon ng Lunes, ika-9 ng Enero ang pagre-shuffle sa mga Local School Heads sa Dagupan City Schools Division Office.
Sa isang panayam kinumpirma ni Dagupan City School Division Superintendent na si Dr. Aguedo Fernandez, ang ukol sa muling pagbalasa sa hanay ng DepEd Dagupan.
Matatandaan na inilabas ang kautusan o ang order nito lamang ika-apat ng Enero taong kasalukuyan.

Ayon sa opisyal, labing siyam mga principals ang mababago o maililipat sa mga paaralan sa siyudad kung saan ang mga punong-gurong ito ay may limang taon nang nakatalaga sa mga paaralan base na rin sa direktiba ng kagawaran.
Bibigyan naman umano ang mga ito ng tatlong options na pumili ng nais nilang paglipatang mga paaralan.
Sinabi pa ng opisyal na nagkaroon umano ang hanay ng DepEd ng meeting noong last quarter ng 2022 ukol sa gagawing balasahan. | ifmnews
Facebook Comments