Pag-review sa mga nakanselang kontrata ng mga mining companies, target tapusin ng DENR sa loob ng isang buwan

174

Manila, Philippines – Target ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) na tapusin sa loob ng isang buwan ang pagre-review sa apela ng mga kumpanyang nakansela ng kontrata.

Nabatid na 75 mining contract ang pinakansela ni dating Environment Sec. Gina Lopez.

Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, ginagawa nila ang lahat para mapabilis ang assessment.


Dahil dito, planong ikutin ni Cimatu ang mga mining companies sa bansa sa susunod na buwan.

Facebook Comments