Senador Trillanes, binigyan ng bagsak na grado sa unang isang taon si Pang. Duterte

Manila, Philippines – Binigyan ng bagsak na grado ni Senador Antonio Trillanes sa unang isang taon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na si Trillanes ay mahigpit na kritiko ng pangulo pan

Ayon kay Trillanes, naging palpak ang gobyerno sa kampanya nito laban sa ilegal na droga.


Dagdag pa ng senador – mas bumigat ang ilang problema sa unang taon ng administrasyon.

Hindi na rin naniniwala si Trillanes na magbabago pa ng estilo ng pananalita ng pangulo.

Pero para naman kay Senate President Koko Pimentel, matagumpay na kampanya laban sa iligal na droga.

Dahil aniya sa oplan tokhang at war on drugs, nabawasan ang krimen sa bansa.

Pero ikinababahala lamang ni Pimentel ang pagtaas na bilang ng Extra Judicial Killings na aniya’y hindi pa rin nareresolba ng Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments