Nanawagan si Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipa-review ang composition at competence ng mga itinalagang commissioners ng Commission on Higher Education o CHED.
Hirit ito ni Barbers kasunod ng pagpapahinto ng CHED sa assistance na nakalaan sa Senior High School o SHS Program sa mga State Universities and Colleges and Local Universities and Colleges.
Para kay Barbers, ang nabanggit na hakbang ay nagpapakita ng kapalpakan sa hanay ng mga opisyal ng CHED.
Ipinunto ni Barbers, sa halip na tulungan ng CHED ang Department of Education o DepEd na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa ay lumikha pa ito ng problema.
Giit ni Barbers, hindi sapat na pagbasehan lang ng pagtatalaga ng mga commissioner sa CHED ang pagtataglay nila ng masteral o doctorate degree dahil mas dapat ikonsidera ang pagkakaroon nila ng sapat na managerial experience, mahusay na track record at karakter at pagiging educators na sinubok ng panahon.