Panibagong kaso laban sa dating heneral na kumaladkad sa PNP at AFP hinggil sa isyu ng destabilisasyon laban kay PBBM, pinag-aaralan na ng PNP

Tinitignan na rin ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng inciting to sedition case laban sa dating Armed Forces of the Philippines (AFP) General at vlogger na si Johnny Macanas Sr.

Sa vlog ni Macanas, matatandaang pinalabas niya na kinukumbinsi umano ng mga pinuno ng PNP at AFP si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bumaba na sa pwesto.

Ayon kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., pinag-aaralan na ng kanilang legal team na idagdag ang nasabing kaso laban kay Macanas.


Mandato aniya nila na siguruhing mapananagot sa batas ang sinumang nakitaan ng paglabag lalo na kung may kinalaman ito sa pambansang seguridad.

Una nang sinabi ni Acorda na nakahanda siyang harapin saka-sakaling maghain ng kontra demanda si Macanas na isang dating Brigadier General ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Facebook Comments