Dapat munang pag-aralan ang pag-sasagawa ng cloud seeding ito ay pahayag ni PHIVOCS Director Usec renato solidum sa isinawang press briefing sa PHIVOLCS.
Kung maalaa iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto na magsagawa ng cloud seeding para kahit papaano malinis ang mga abo na kumalat sa batangas at kalapit na probinsya.
Ayon kay PHIVOLCS Director Solidum maganda na mag karoon ng ulan pero delikado naman kung sa bulkan ito bubuhos.
Sa cloud seeding kasi dapat tantsado at aral ang direksyon ng hangin kung saan babagsak ang ulan.
Kapag sa bulkan bumuhos ang ulan depende sa dami mag dudulot aniya ito ng lahar.
Magkakaroon din ng eruption dahil mag hahalo ang init at tubig na tinatawag na magmanic and hydrovolcanic activity.
Sa pinakahuling datos napagtala ng 500 meters na taas ng lava fountains ang phivols sa main crater ng bulkang taal habang may namonitor din na tinatayang 2 km na taas na pag-buga abo.