Hindi maaaring gawin ang mag-self-swab.
Ito ang reaksyon ni Health Sec. Francisco Duque III makaraang mag-self-swab ang aktor na si Robin Padilla at ipinost nya pa ito sa kaniyang social media account.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Duque na hindi ina-advise ng ating mga eksperto ang self-swabbing kits.
Aniya, hindi sigurado ang accuracy nito dahil hindi naman ito na-validate ng Food and Drug Administration (FDA) at regulatory body gaya ng RITM (Research Institute for Tropical Medicine).
Paliwanag pa ni Duque, magiging kwestyunable lamang ang resulta nito dahil hindi akma o sang-ayon sa pamantayan.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang mga self-administered test kits ay hindi kailanmam aprubado ng FDA.
Facebook Comments