Manila, Philippines – Hahayaan nalang ng Office of the Presidential Adviser for the Peace Process na gawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sa tingin nitong dapat gawin sa oras na matanggap nito ang kopya ng bagong draft ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Matatandaan kasi na sinabi ni Dureza na sa darating na Lunes ay ibibigay na nila kay Pangulong Duterte ang nasabing draft bago tuluyang isumite sa kongreso para simulant ang paggulong ng proseso para ito ay maging isang ganap na batas.
Ayon kay Dureza, si Pangulong Duterte lamang ang makapagsasabi kung kailangan ba itong sertipikahan bilang urgent bill.
Pero paliwanag ni Dureza, kung sila ang tatanungin ay mas maganda na sertipikahang urgent ito ng Pangulo dahil isa itong magandang paraan para para ito ay mabilis na maisabataas at maipatupad sa Bangsamoro region.
Hindi naman masabi ni Dureza kung isa ang BBL sa mga babanggitin ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Pag-sertipika ng bagong BBL bilang urgent bill, pangulo na ang bahala ayon kay Sec. Dureza.
Facebook Comments