Pag-suspinde ng arrival visa ng mga dayuhang galing sa mga bansang may NCoV bukod sa China, ipinauubaya na ng Palasyo sa DOH at WHO

Nakasalalay sa rekomendasyon ng Department of Health at ng World Health Organization kung kakailanganin ding magsuspinde ng arrival visa ng mga dayuhang nagmula sa mga bansang may kaso ng Novel CoronaVirus.

Ito ay sa kabila narin ng naging hakbang ng Bureau of Immigration na suspendihin ang visa on arrival ng mga Chinese nationals.

Ayon kay Chief Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, hanggat wala pang rekumendasyon ang WHO at DOH ay desisyon na muna ng Bureau of Immigration kung dapat ding ipatupad nito ang kahalintulad na hakbang sa ibang nationality na papasok sa bansa lalo na kapag galing ang mga ito sa mga bansang may kaso ng NCoV.


Pangunahing konsiderasyon dito ayon kay Panelo ay ang kaligtasan ng ating mga kababayan upang huwag makapasok sa bansa ang kinatatakutang NCoV.

Facebook Comments