Manila, Philippines – Suportado ng Trade Union Congress of the Philippines ang partial nationalization ng Hanjin shipyards sa Subic.
Ayon kay TUCP President Rep. Raymond Mendoza, nanawagan sila sa limang creditor banks ng Hanjin na isaalang alang ang national security interests ng bansa sa pamamagitan ng pagsalba sa trabaho ng mga manggagawa.
Iginigiit ng grupo ang pagbuo ng interagency team para pag aralan kung paano maibabalik sa operasyon ang Hanjin.
Ipinapanukala ng grupo ang pagpasok sa management contract sa Philippine Navy para maisulong ang isang Philippines-first strategy sa pagtake over Hanjin.
Sa pamamagitan nito ma-imombilize ang mga mandaragat na may market ang services ng Hanjin sa ibayong dagat.
Facebook Comments