Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Malakanyang na magtalaga ng rehabilitation point person o rehabilitation czar sa Marawi City.
Ayan kay Recto, mahalaga na may nangunguna sa pagpaplano para gagawin rehabilitasyon sa marawi na inatake ng mga Maute Terror Group.
Kahit hindi pa aniya tapos ang bakbakan ay dapat naglalatag na ngayon pa lang ng mg hakbang para sa pagbagon ng lugar na apektado ng gulo sa Mindanao.
Kasabay nito ay iginiit din ni Senator Recto ang agad na pagpapalabas ng calamity fund para sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi at sa rehabilitasyon nito.
Ayon kay Recto, sa 2017 national budget ay nakapaloob ang 6-bilyong pisong Quick Response Fund o QRF at P15.755 billion naman sa National Disaster and Risk Reduction and Management Fund o NDRRMF.
Bukod pa aniya dito ang natira o hindi nagastos mula sa P38.895 billion na appropriations sa NDRRMF noong nakraang taon.
Ang nabanggit na halaga, ayon kay Recto, ay para sa food assistance, cash-for-work projects, emergency employment, farm aid, at housing ng mga apektadong pamilya at komunidad.
DZXL558, Grace Mariano