Pag-transfer ng DOH ng 42 billion pesos COVID response funds sa PS-DBM, ipinaliwanag sa pagdinig ng Senado

Walang mali sa ginawang paglilipat ng Department of Health (DOH) ng P42 billion na COVID response fund sa Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM).

Iginiit ito ni Health Secretary Francisco Duque sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Duque, hindi kinaya ng DOH internal bids and awards committee na makakuha ng supplier na tutugon sa mataas ng demand ng medical supplies na kailangan dahil sa COVID-19 pandemic.


Ito ay dahil, kulang ang suplay sa merkado at hindi rin ito tumutugon sa kalidad na kailangan nila habang ang ibang mga bansa naman ay naghigpit din ng kanilang supplies para magamit sa sarili nilang pangangailangan.

Sabi ni Duque, ito ang dahilan kung bakit hiniling nila ang tulong ng PS-DBM na noon ay pinamumunuan ni dating Budget Undersecretary Christopher Lao.

Facebook Comments