Pag-tulong sa mga biktima ng lindol pinapa-tutukan ni PNP OIC Lt Gen Archie Gamboa 

Inatasan ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ang lahat ng Police Regional Directors sa mga lugar sa Mindanao na apektado ng panibagong Magnitude 6.5 earthquake na bigyang prayoridad ang pag-tulong sa mga biktima.

Pinagana na rin ni Gamboa ang lahat ng available units at resources ng PNP sa mga lugar na apektado ng lindol para umalalay sa relief and rescue efforts ng mga LGUs at RDRRMCs.

Nanawagan naman si PNP Spokesperson PBGen Bernard Banac sa mga mamayan sa mga apektadong lugar na manatiling kalmado.


Siniguro ni Banac, na sa kabila ng pagka-abala ng PNP sa Security preparations para sa Undas, ay makakaasa ang publiko na ang PNP ay laging handa para tiyakin ang kanilang kaligtasan sa gitna ng anumang kalamidad.

Nag-pahayag ng pag-titiwala si Banac na  gabayan ng Panginoon ang buong bansa sa harap ng kasalukuyang  situasyon dahil sa magkasunod na lindol.

Facebook Comments