Pag-ugnay ng Jolo blast sa ISIS, propaganda lamang, ayon sa JTF Sulu

Naniniwala ang Joint Task Force Sulu na propaganda lamang ang pag-uugnay sa Islamic State o ISIS sa nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 15 katao at nasa 78 ang sugatan.

Nabatid na sinabi ni Dr. Rommel Banlaoi, Chairperson ng Institute of Peace, Violence and Terrorism Research na ang nasabing pag-atake kung saan naglalagay ng improvised explosive device sa motorsiklo ay estilo ng ISIS sa Iraq, Afghanistan at Syria.

Sinabi rin ni Banlaoi na maituturing na paghihiganti ng Abu Sayaff ang pagsabog dahil sa pagkaka-aresto sa kanilang leader na si Anduljihad “Edang” Susukan.


Ayon kay JTF Sulu Commander Brigadier General William Gonzales, ang mga sabi-sabi na ang mga pagsabog ay mahahalintulad sa mga pag-atake ng ISIS ay propaganda lamang para sila ay sumikat.

Naniniwala rin si Gonzales na posibleng ang ASG ang may pakana ng mga pagsabog.

Facebook Comments