Pag-ulan, asahan ngayong weekend!

Asahan ang pag-ulan ngayong weekend!

Ito’y dahil umiiral na ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa halos buong bansa.

Magkakaroon ng malakas na ulan sa Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan at maging sa Metro Manila.


May mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman sa Visayas habang may kalakasang pag-ulan sa Mindanao.

Kasabay nito, mayroon ding binabantayang Low Pressure Area (lpa) na may layong 1,475 kilometers silangan ng hilagang Luzon.

Posibleng maging bagyo ang LPA bukas.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 31 degrees celsius.

Sunrise: 5:42 ng umaga
Sunset: 6:16 ng gabi

Facebook Comments