Budol budol gang, timbog sa Iloilo

Iloilo – Timbog ang 10 kasapi ng budol-budol gang sa isang resort sa barangay Alacaygan, Banate, Iloilo.

Ayon kay Chief Insp. Jojo Tabaloc, hepe ng Banate Municipal Police Station, isang matanda sa San Jose, Antique ang muntik nang mabiktima ng mga suspek kaya nagsagawa ng hot pursuit operation ang San Jose Police.

Naabutan ang mga ito sa CRCI Resort kung saan dalawang sasakyan ang nirentahan ng mga ito mula pa sa Maynila.


Narekober mula sa grupo ang 13 sachet ng shabu, dalawang unit ng .38 caliber revolver, iba’t ibang uri ng alahas, 11 cellphones, drug paraphernalias at cash na nagkakahalaga ng higit 20,00 pesos.

Facebook Comments