Pag-upgrade ng mga ospital sa bansa, inihirit ng Kamara

Hiniling ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Department of Health (DOH) ang pag-upgrade sa mga level 1 hospitals.

Giit ni Hataman, habang maaga ay dapat na ihanda ng DOH ang pag-upgrade ng mga level 1 hospital upang maging level 2.

Ito aniya ay para may kakayahan na makatugon sa pandemic ang lahat ng healthcare facilities sa bansa.


Ang mga level 1 hospitals kasi aniya ay ang pinaka-basic na pagamutan kung saan minor patient care lamang ang serbisyo na naibibigay, walang intensive care unit at tiyak na hindi kayang makatugon sa health crisis tulad ng COVID-19.

Aniya dapat sa ngayon ay targetin na ng gobyerno na ma-i-angat sa level 2 ang lahat ng ospital sa bansa kung saan mayroon itong ICU na maaaring mangalaga ng mga critically ill na pasyente.

Sa 2018 data ng DOH, 783 o 64% ng mga ospital sa bansa ang Level 1.

Katumbas ito ng nasa 32% o 32,144 na bed capacity, habang ang level 2 hospitals ay nasa 318 at 122 naman ang level 3 hospitals.

Facebook Comments