Pagbasura Sa 2015 Paris Climate Agreement, Itinanggi Ni Pangulong Duterte

10

MANILA – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tuluyang tinatanggihan ang 2015 Paris Climate Agreement.Ayon kay Duterte, hindi niya maaring aprubahan o tanggihan ang isang bagay na hindi pa naman inihaharap o ipinipresenta sa kaniya.Paliwanag nito, nagiging maingat lang siya dahil posibleng maging balakid ang anumang climate deal na kaniyang papasukin, sa pagpasok ng mga investors.Dagdag pa ng Pangulo, kakailanganin niya pang marinig ang mga rekomendasyon sa kaniya ng kaniyang mga legal advisers, at ni Environment Sec. Gina Lopez upang makabuo siya ng desisyon na magiging mabuti sa kalikasan at sa ekonomiya ng bansa.Gina

Facebook Comments