Pag-usad ng Marawi Road Rehabilitation, bumilis

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mabilis na rehabilitation ng 18.97-kilometer Marawi Transcentral Road Project-Stage 1 sa Lanao Del Sur.

Ang naturang kalsada ay unang napinsala sa nangyaring armed-conflict sa Marawi City at ngayon ay pinopondohan ng P970 million mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ito ay bahagi ng DPWH flagship infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build agenda ng President Rodrigo Roa Duterte administration at DPWH Secretary Mark Villar.


Ayon kay Public Works Undersecretary Emil Saddain, ina-asahang matatapos ang naturang proyekto sa kalagitnaan ng taong 2021.

Pinaalalahanan naman ni Saddain ang contractors na panatilihin ang kalidad ng proyekto.

Facebook Comments