Pag-usbong ng juvenile terrorism sa Mindanao, pinangangambahan

Nagbabala ang isang security expert sa posibleng pag-usbong ng juvenile terrorism sa Mindanao.

Ayon kay Prof. Rommel Banlaoi, Direktor ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research, ito ay kung mapatunayang 14-anyos lamang ang ‘di umano’y Indonesian national na nagsilbing suicide bomber sa twin blast sa Jolo.

Patunay rin aniya ang kambal na pagsabog sa Jolo ng dumaraming involvement ng kababaihan sa terorismo.


Kaugnay nito, dapat aniyang bantayan ang social media na may malaking papel sa recruitment at pagpapalaganap ng ideolohiya ng terorismo.

Facebook Comments