PhilHealth Chief Ricardo Morales, magbibitiw na sa pwesto ngayong araw

65

Magbibitiw na sa kanyang pwesto si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.

Sa isang panayam, sinabi ni Morales na isusumite siya ang kanyang resignation kay Executive Secretary Salvador Medialdea ngayong araw.


Nagpasalamat naman si Morales kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpayag nitong siya ay makapagpahinga.

Una rito, inutusan ng Pangulo ang PhilHealth Chief na magbitiw sa pwesto dahil sa kanyang karamdaman.

Samantala, nagsumite na rin ng irrevocable resignation si PhilHealth Senior Vice President for Legal Sector Rodolgo Del Rosario Jr.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Del Rosario na nagdulot ng labis na hirap at stress sa kanya ang trial by publicity kaugnay ng isinasagawang pagdinig ng Kongreso sa umano’y korapsyon sa PhilHealth na sinabayan pa ng anim na buwang suspensyong ipinataw ng Office of the Ombudsman.




Epektibo ang kanyang pagbibitiw simula August 24, 2020.

Facebook Comments