Cauayan City, Isabela- Pormal nang naghain ng petisyon sa Sangguniang Panlalawigan ng Quirino ang ilang mga indibidual sa pangunguna ni Barangay kagawad Beltran Almendral upang pormal na kwestyonin at harangin ang balak na pag utang ng pamahalaang lokal ng Nagtipunan, Quirino sa land bank of Phils.
Hindi napapanahon ang pag utang ng local na pamahalaan dahil ang pondong hihiramin ng LGU Nagtipunan ay nakatakdang gamitin para sa pagsasaayos ng mga tourist spot ng Bayan batay sa nilalaman ng kanilang petisyon.
Ayon pa sa mga petitioners masyadong malaki ito para sa nabanggit na proyekto kaya’t nararapat umanong di matuloy ang pag-utang.
Matatandaan na kasalukuyan nang pinoproseso ng LBP ang halos isang bilyon piso na nais hiramin ng LGU sa pangunguna ni Mayor Nieverose Meneses na siya naman gagamitin para sa development ng turismo sa lugar.
Una na rin pinabulaanan ng kampo ni Meneses na walang sapat na batayan ang mga mga alegasyon laban sa kanya kundi ito’y isang politikong paraan upang pabagsakin ang kanyang administrasyon.