Pag-utot ng 23 beses sa isang araw, normal lang – eksperto

Madalas ka bang umuutot?

Dumating ba sa puntong hindi mo mapigilan umutot habang nasa biyahe, trabaho, o klase?

Hindi lingid sa ating kaalaman, normal na umutot ang isang tao nang 14 hanggang 23 beses kada araw.


Ito rin ay proseso ng ating katawan para mailabas ang hanging namamahay.

Ayon sa mag-asawang Dr. Willie at Liza Ong, nanggagaling ang utot mula sa hangin na naiipon sa bituka at tiyan.

Dagdag pa ng mga espesyalista, nagiging mabaho o maamoy ang utot dahil sa sulfur na gawa ng mga bacteria.

Aniya, nanggagaling ang utot sa hanging pumapasok sa bibig sanhi ng sobrang pagsasalita, at mga pagkaing hindi natutunaw ng maayos sa tiyan.

Narito pa ang ibang dahilan ng kalabisang hangin sa tiyan mula sa mga eksperto:

  • Paglantak ng sobrang candy, bubble, at mga pagkaing nagdudulot ng hangin tulad ng beans, mais, kamote, patatas at repolyo.
  • Pag-inom ng softdrink at beer. May taglay itong handin at bula kaya siguradong madidighay o mauutot ka.
  • Ang taong palaging ninenerbyos ay mabilis huminga, kumukulo ang tiyan at tiyak na mapapautot din.

Para maiwasan ang palaging pag-utot, kailangan sundin ang mga sumusunod:

  • Hinay-hinay sa pagkain at iwasan magsalita ng labis
  • Kontrolin ang dami ng kinakain
  • Huwag ma-stress sa mga ginagawa
  • Kumain ng yogurt at probiotics.
  • Damihan ang pag-inom ng tubig.
  • Araw-araw mag-ehersisyo
Facebook Comments