PAG-UUSAPAN | Rekomendasyong alisin ang planong suspensyon ng fuel excise tax hike, tatalakayin ngayong araw

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na bubuo siya ng pinal na desisyon hinggil sa rekomendasyon ng kanyang gabinete na isulong ang pagtaas ng fuel excise tax sa susunod na taon.

Ayon sa Pangulo, magkakaroon siya ng cabinet meeting ngayong araw para talakayin ang panukala ng kanyang economic team na alisin na ang nakatakdang suspensyon ng ikalawang bugso ng dagdag buwis sa langis dahil sa pagbaba ng halaga ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Nais niya na makakuha ng opinyon mula sa kanyang gabinete hinggil sa posibleng impact ng fuel tax hike sa ekonomiya at sa mamamayan.


Partikular na hihingan niya ng pananaw sina finance Secretary Carlos Dominguez III, Trade Secretary Ramon Lopez, Transportation Secretary Arthur Tugade at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Ang second trance ng fuel excise tax ay bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Facebook Comments