Pag-uwi ng mga Frontliner sa kanilang bahay, Paiimbestigahan ng DOH Region 2

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 9,000 specimen sa buong Lambak ng Cagayan ang mga isinailalim sa pagsusuri ng Department of Health Region 2 sa mga may sintomas ng coronavirus (COVID-19) ng magkaroon ng sariling laboratory ang ahensya.

Ayon kay DOH-CHD Regional Director Dr. Rio Magpantay, nasa mahigit 100 kada araw ang nasusuri na specimen gamit ang apat (4) na Gene Xpert Machine.

Aniya, nakadepende rin ang pagdating ng mga specimen sa mga susuriin lalo na kung sa isang nagpositibo ay maraming close contact ay dapat mas higit pa ang nasusuri nito upang malamang kung may nagpositibo ba sa mga ito.


Giit pa ng opisyal, simula ng dumagsa ang maraming bilang ng mga nagpopositibo sa virus ay ang maraming bilang naman para sa swab testing.

Samantala, paiimbestigahan naman ng DOH ang ilang usapin hinggil sa pag-uwi umano ng mga frontliners sa kanilang mga bahay sa kabila ng pagbabantay nila sa covid ward ng ilang piling ospital na may mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Magpantay, kinakailangan na may nakalaang quarters ang mga ito kung saan uuwian nila pagkatapos ng kanilang trabaho.

Facebook Comments