Suportado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagpapatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport.
Ito ang nilinaw ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Aniya, layunin lamang ng desisyon ng Pangulo na i-veto ang House Bill 7575 ay para maitama ang mga nakitang mga kulang sa panukala.
Partikular na aniya rito ang probisyon na nag-eexempt na masilip ng Commission on Audit (COA) ang financial transactions sa special economic zone and freeport.
Giit ng Palasyo, kung hindi aamyendahan ang panukala partikular ang mga nakasaad sa veto explanation ay madali itong makukwestyon sa korte.
Ipinunto rin ng kalihim na hindi naman maapektuhan ng veto ang mismong pagtatayo ng airport sa Bulacan.
Pag-veto ni PBBM sa Bulacan Airport City ecozone bill, isang paraan para maayos ang panukalang batas ayon sa Malacañang
Facebook Comments