Bagong PCOO Secretary Trixie Cruz-Angeles, nakatakdang magsagawa ng kauna-unahang Malacañang briefing ngayong araw‬

102

‪Magsasagawa ng kanyang kauna-unahang press briefing sa Palasyo ng Malacañang sa ilalim ng Marcos Administration si bagong talagang Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz-Angeles.‬
‪ ‬
‪Gaganapin ang Malacañang press briefing sa New Executive Building.‬
‪ ‬
‪Sisimulan ito dakong alas-11:00 ng umaga para bigyang linaw at sagutin ni Sec. Angeles ang ilang mga isyu at katanungan ng mga mamamahayag o mga miyembro ng Malacañang Press Corps.‬
‪ ‬
‪Una nang sinabi ni Angeles na titiyakin niya na magampanan ang kanyang commitment para mapaganda pa ang communication office ng gobyerno‬.
‪ ‬
‪Si Angeles ay hindi na bago sa PCOO dahil nagsilbi itong social media strategist sa ahensya noong July 2017 hanggang 2018.‬

Facebook Comments