Pag-veto ni PRRD sa security of tenure bill, hindi dapat ikadismaya ng mga mambabatas

Iginiit ng Malacañan na hindi dapat madismaya ang mga mambabatas sa pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ng security of tenure bill.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – patuloy pa rin ang pagtupad ng Pangulo sa pangako niyang laban kontra ilegal na kontraktwalisasyon.

Paalala pa ni Panelo – nakapag-isyu na ang Pangulo ng Executive Order noong nakaraang taon na nag-aatas sa DOLE na mag-inspeksyon sa mga establisyimento at inoobliga ang mga ito na sumunod sa labor laws.


Higit 400,000 manggagawa na ang na-regular mula 2016 hanggang ngayong taon.

Para kay Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Vice President Louie Corral – dehado ngayon ang nasa siyam na milyong endo worker sa bansa.

Naniniwala si Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis – nakumbinsi ang Pangulo na huwang pirmahan ang anti-endo bill base sa ipinasa nilang report sa Palasyo hinggil sa magiging epekto ng mga negosyo at ekonomiya.

Dahil ito, balak muling ihain ng mga mambabatas ng ang panukala ngayong 18th Congress.

Facebook Comments