Pag-veto sa Anti-Terrorism Bill, hiniling ni Senator Hontiveros kay Pangulong Duterte

Umapela si Senator Risa Hontiveros kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag pirmahan at sa halip ay ibasura ang Anti-Terrorism Bill.

Umaasa si Hontiveros na pakikinggan ni Pangulong Duterte ang sentimiyento ng publiko na isantabi ang Anti-Terrorism Bill at unahin ang pagtugon sa COVID 19 crisis.

Sa ngayon ay kumukonsulta si Hontiveros sa mga legal expert para sa kanyang pinag-aaralang mga hakbang laban sa panukala.


Ayon kay Hontiveros, isa sa kanyang ikinokonsiderang aksyon ay ang pangunguna o pagsali sa petisyong ihahain sa Supreme Court laban sa Anti-Terrorism Bill.

“Unahin na lang sana ni Presidente ang COVID-19 response. Makinig siya sa sentimyento ng publiko at sana talaga huwag na niya pirmahan ‘yong Anti-Terrorism Bill into law. Ako po’y kokonsulta pa rin at nag-aaral kasama ng mga legal experts kung mangunguna ba or sasali sa paghain ng isang kaso sa Korte Suprema. Pero kung anupaman, kahit pa hindi kung iba ang aking magiging gawain parallel doon ay patuloy akong susuporta sa ganyang mga gawain,” pahayag ni Hontiveros.

Facebook Comments