Oath taking ng 2019 Bar passers, itinakda na ng Korte Suprema

Itinakda na ng Korte Suprema ang oath taking ceremony ng mga nakapasa sa 2019 Bar Examination.

Ito ay sa pamamagitan ng video conference na gagawin sa June 25, 2020 dakong alas dos ng hapon.

Pinapayuhan naman ang 2019 Bar passers na kumpletuhin muna ang kanilang clearance procedure.


Kailangan din nilang magpa-register bago sumapit ang June 18, 2020.

Kailangan din ng Bar passers na lumahok sa video conference ilang oras bago ang oath taking sa pagitan ng alas dies y media ng umaga hanggang ala una ng hapon para sa screening.

Ang hindi makakalahok sa nasabing screening ay hindi papayagan na sumali sa actual oath taking via videocon.

Mapapanood nang live ang oath taking sa PTV Channel 4.

Facebook Comments