PAGAGANDAHIN | DFA, palalakasin pa ang PH passport

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung paano pa mapapalakas ang Philippine passport.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Neil Frank Ferrer – plano ng DFA na gawing polycarbonate imbes na papel ang mga pahina ng passport.

Ang polycarbonate ay isang matibay na uri ng plastic na tumatagal ng higit sa 10 taon lalo at nasa 10 taon na rin ang validity ng pasaporte ng bansa.


Inaasahan na rin ng DFA ang pagdami ng passport applicants ngayong ber months.

Karaniwan aniya tumataas ang bilang ng mga aplikante bago mag-disyembre para samantalahin ang pagbabakasyon.

Facebook Comments