Manila, Philippines – Tinitiyak ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries na maaprubahan na sa muling pagbubukas ng sesyon sa Mayo ang panukalang magbibigay ngipin sa Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Sa ilalim ng isinusulong na panukala ay inaamyendahan ang Republic Act No. 9160 o ang AMLA 2001 kung saan isasama na rin ang mga casinos na maaaring kwestyunin ng Kongreso.
Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, mas mapapataas nito ang pagiging competitive ng bansa at maisusulong ang transparency sa mga financial transactions sa mga casino.
Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang nangyari noong nakaraang taon na $81 Million na nakaw na pera mula sa Bangladesh kung saan nailipat sa mga bogus na account sa RCBC Makati ang pera at nagamit sa mga casinos.
Suportado ni Evardone ang Senado sa pagsusulong sa panukala dahil maisasaayos nito ang imahe ng gaming industry at makapanghihikayat pa ng investors sa bansa.
Isa sa mga proposal ng panukala ay ang pagtatakda ng halaga kung saan ang mg bangko, insurance comoanies at ibang sakop na institusyon ay dapat na maghain ng report sa AMLA kung ang halaga ng transaksyon ay aabot sa P500,000 pataas.
ags: RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila, Conde Batac
Facebook Comments