Bacolod City, muling kinilala bilang best place to live

Manila, Philippines – Muling napili ang Bacolod City bilang Best Place to Live sa buong Pilipinas. Ayon sa blog site na Conyo Times, nag number 1 ang Bacolod sa ilang mga leading cities sa buong Pilipinas kasama na dito ang Makati, Iloilo, Quezon City, Puerto Princesa, Tagaytay at Davao.
 
Inihayag ng blog site na napakabilis ng development ng lungsod ng Bacolod lalo na sa infrastructure at housing development kasama na ang mga mababait na locals o mga tao at ang mababang cost of living.
 
Kaugnay nito, sinabi ni Bacolod City Mayor Evelio Bing Leonardia na tinataguyod ng kanyang administrasyon ang Culture of Excellence kung kaya’t sa lahat ng aspeto dapat maging excellent ang lungsod ng Bacolod. Noong 2008, kinilala rin ang Bacolod bilang most livevable city sa bansa.

Photo from: thehappytrip.com

DZXL Manila

Facebook Comments